first of all, humihingi ako ng tawad sa mga taong malapit sa kinauupuan namin kagabi sa last full show sa cinema 1 ng sm megamall. dahil as always, napaka-ingay na naman namin with our never ending commentary habang pinapalabas yung movie.

pero kasi, tradisyon na namin iyon, ang manood ng harry potter sa first day of showing nito. mula sorcerer's stone hanggang ngayong order of the phoenix, lagi kaming magkakasama sa panonood nito (although namiss pala ni rona yung first two).

parang di ganun ka-okay yung movie, masyadong fast forward yung story. at saka, pirated yata yung copy sa megamall, biglang huminto at tumalon sa panibagong scene (sana lang di importante yung nalagpasan namin).

ba't nga pala kahit na magkamukha sila, obvious pa rin na mas gwapo yung isang twin (si fred yata yun)? si seamus tumangkad lang pero yun pa rin ang itsura, samantalang si dean thomas halatang nagbinata na tulad ni neville. in fairness, ang ganda ni tonks, parang ayaw ko tuloy siyang ipartner kay remus. pero the best sa lahat si luna, parang adik lang haha :D
p.s.
alin nga ba d'yan sa tatlo ang pinanood natin?